Tuesday, January 14, 2025

Bayan Muna celebrate International Day of World’s Indigenous People in Koronadal, South Cotabato.

Bayan Muna celebrate International Day of World’s Indigenous People in Koronadal, South Cotabato.

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat along with Kahugpongan sa mga Lumad sa Halayong Habagatang Mindanao (KALUHHAMIN) celebrate International Day of World’s Indigenous People in Koronadal City in South Cotabato recently, below is her speech delivered to the attendees of the event.

“Itong araw na ito ang pagdiriwang ng Indigenous People’s Day, hindi ibig sabihin na ipinagdiriwang natin ang araw na ito dahil masaya tayo kundi ang araw na ito ay isang paalala sa ating mga pakikibaka para sa sariling pagpapasya at makamit ang sariling systema sa ekonomiya, politika at kultura.”

Sa mahabang kasaysayan ng pambansang minorya, ay hindi kinilala ng gobyerno ang ating mga karapatang pantao at hindi nirespeto ang ating sariling pagpapasya sa ilalim ng iba’t-bang pangulo ng atin bansa. Ngayon ay patuloy pa rin ang pagpatay at panikil ng ating mga buhay bilang mga pambansang minorya.”
“Sa tatlong taon na pag-upo ni Pang. Duterte at dalawang taon na nang Martial law sa Mindanao, tayong mga pambansang minorya ang nag tiis sa hirap dahil tayo ang direktang biktima nito. Sa kanyang mga pangakong nabitawan na tutulungan daw niyang makamit ng pambansang minorya ang sariling pagpapasya, malinaw na ito ay ginamit lang ni Pang.Duterte para sa pagkawatak-watak ng ating mga tribo.”
“Malinaw na sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi nila tinutuganan ng pansin ang kagalingan ng mga pambansang minorya sa halip ay pinapasok pa nila ang mga malalaking plantasyon sa mina sa ating lupang ninuno.”
Dugo at pawis din natin ang ating pinuhunan para ipatayo ang mga paaralan ng lumad para sa ating kabataan kung saan tinuturuan nila ang sustinableng agrikultura at pag depensa sa lupang ninuno.

Kaya sa araw na ito, daang libong mga pambansang minorya ang lalaban para wakasan na ang diskriminasyon sa atin.

 Huwag nating pahintulutang makapasok ang mga malalaking plantasyon sa mina sa ating lupang ninuno! Wakasan na ang mga pagpatay at pag-atake sa ating hanay Ihinto na ang martial law sa Mindanao! (PR)