Tuesday, January 14, 2025

Kabalikat sa Kabuhayan, inilunsad sa Puerto Princesa City

Kabalikat sa Kabuhayan, inilunsad sa Puerto Princesa City

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Magkatuwang na inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Sustainable Livelihood Program (SLP) at SM Foundation, Inc (SMFI). ang apat na grupo ng Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Sustainable Agriculture Program sa SM City Puerto Princesa noong ika-19 buwan ng Hulyo.

Ito ay dinaluhan ng 100 na mga magsasaka mula sa mga barangay ng Manalo, Maoyon, Kamuning at Inagawan na syang benepisyaryo ng nasabing programa.

Ang mga kalahok ay sasailalaim sa 14-week intensive training upang makamit ang layunin ng programang na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng dagdag kaalaman sa pamamagitan ng technical assistance mula sa Moca Family Farm RLearning Center Inc.

Samantala, iba’t ibang assistance din ang ibibigay ng ibang ahensya sa gobyerno sa mga magsasaka ayon sa serbisyo na binibigay ng kanilang mga opisina kagaya na lamang ng Department of Agriculture (DA), Puerto Princesa City Agriculture Office, Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) at SM Supermalls.

“Sana sa simula hanggang sa katapusan [ng training] ay nandiyan kayo. Kung mapapansin ninyo ay iba-iba ang tinatanim natin na gulay kaya iba-iba rin ang nakikita natin na mga gulay kapag weekend market. Kaya andaan natin na sa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa,” saad ni City Agriculturist Melissa Macasaet.

Inaasahan na ang KSK Rural Farmers’ Training Program ay magiging daan upang maabot ang agricultural sustainability patungo sa food security ng mga magsasaka sa lungsod ng Puerto Princesa maging sa lalawigan ng Palawan.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagkakaroon ng weekend market sa SM City Puerto Princesa kung saan makakabili ang mamamayan ng mga sariwa at abot kayang mga gulay mula sa mga local na magsasaka.

Ang KSK-SAP ay sinumulan noong 2007 kung saan libu-libong mga magsasaka ang natulungan.